Over all they made it good for me.Carol was also on time during our first meeting.She anwers to my queries all the time.A lot of people commented on how organized the wedding was.Parang mga kabigan ko na din sila. I had no qualms working with these guys!
REJECTKREW
Lights and Sounds Supplier
Rating: The Best! Kudos! Lahat ng Acclammation andito na!
The uber polite Elmer.Very good si Elmer, lights and sounds perfect what can I say? One of my best supplier.Mura pa and really, really good value for your money.You don't have to give him lots of instructions for he knows the drill.Ok na ok itong si Elmer!!!
Kaya lang di nya ako binigyan ng madaming bubbles(I understand kasi sabi nya baka daw madulas eh). I just wished I had the chance to dance after the event.Ewan ko ba, sumakit na yung mga paa ko at wala nakong energy that time.
NICE PRINT PHOTOS
Photography and Video
Rating:Great Supplier! Good Performance Over All! (But sa ADMIN okay lang!)
Prenup Pics: Ang ganda ko sa prenup he he he.Kahit na bumabagyo si Karen nuon at nasa rooftop lang kami, the pictures turned out great.We've been blessed to have Rupert for our photographer(kahit na late sya for an hour)ok na kasi magaling naman sya.At ease din kami ni Bernie working with him.Galing :-)
Wedding: Based on the raw pics that we saw ok naman.Magaganda.Like I said, Rupert was so easy to work with.I guess its just fortunate that we got married on an off peak season.
However................
Their admin work is yet to be judged.The first cd that we received was defective.Buti di naman mahirap kausap si Rhian at pinalitan nila agad.But the thing is we had to go back to Pasig eh taga LP kami.Now as I type this Rhian is no longer connected to NP.The layout that I chose is not permissible na daw because I chose it late!!! Hello how come you did'nt inform me or text me na dapat pala eh may I choose na the design.Kainis!
Anyway sabi naman nga baby ko eh okay naman daw yung lay out kahit simple.Humph! Plus, wala pa kaming fish eye effect that NP is famous for! Nakalimutan daw gawin ni Rupert kaya ayun wala kaming fish eye! Another kainis!
FRESHCUTS
Cupcake Tower/Mini Cake Supplier
Rating: The Best! Kudos! Lahat ng Acclammation andito na
Ang sarap daw ng cake namin kahit sino magsabi.And it was really good value for your money.Ang laki ng discount na binigay sa akin ni Rey, and this is really important to me.Maraming natuwa at lahat eh nakatikim ng cake namin.Over all appearance of the cupcake tower maganda.Highly recommended!
CENTURY PARK HOTEL MANILA
Hotel Preps
Rating: Ok lang!
Humhh...ok lang sakin ang hotel na ito...Kahit na medyo mukang luma na yung room(sabi naman ni Carol ok naman daw at spacious).We had Park Tower Suite kasi with kitchenette naman at talagang kasya kaming lahat.Ayoko lang yung view!Grr!! Pag kita ko sa labas parking lot at puro sidewalk vendor.Kainis imbes na ma relax ka eh.
The thing that really pissed me off was that we almost could'nt use their bloody staircase!Totoo naman kasing me function dun sa adjoining room ng stairs.Ayaw ba naman kaming payagan!Di ba pwedeng patabihin muna yung mga tao para lang ma picturan ako???Buti nalang nakiusap yung Mommy ko sa officer ng org na me function! Kaya nakapag pictorial ako dun...Eh pagbaba ko naman walang mga tao! Grr talaga!
Ok na rin to considering this I think is the most affordable among 5 star hotels.
MISSY FERRER-LITAO
Emcee
Rating: Very Good Supplier! Great Performance Over All!
Everyone commented how good she was! She can really pull it off! She made the program lively and fun! I guess no need to say more for she is know to
w@w naman.
Kaya lang, hirap nyang kontakin! Bihira syang magreply to calls, text messages and emails.Mga 1 week before the wedding lang sya masigasig mag reply at yung last minute info na binigay ko sa kanya di nya na pinansin.Buti nalang sina Sheryl eh prepared sa mga print outs, etc.But everything turned outgreat anyway.Professional talaga sya kahit walang further instructions carry nya.
GOLDEN LADY JEWELLERS
Megamall
Wedding Rings
Rating: Okay lang/ Sana sa iba nalang.
Okay naman sila kaya lang after 2 weeks napansin ko me gasgas na sa rings namin.Hello? Pano pa after a lifetime?
CARDPRINTS
Wedding Invitation
Rating: Kudos! The Best! Lahat ng Acclammation Andito na!
Our invites, though simple, look great. Simple lang sya pero very happy ako lalo na nung nakita ko sya sa personal.
PAPEMELROTI
Souvenir/Ref Magnet
Rating: Kudos! The Best! Lahat ng Acclammation Andito na!
Ang cute cute ng souvenir namin! Sa sobrang cute nya ang liit! He he he.Pero very happy din ako dito kasi magagamit mo sya at hindi dust collector.Makikita mo sya palagi nakadikit sa ref ng bawat guests namin :-) Madami na akong nabilang at nasight.Promise!
LAILA PAPA RAMOS
Our Beloved Mananahi
Rating: Kudos! The Best! Lahat ng Acclammation andito na!
ALING ULCING'S LECHON
Lechon Supplier
Rating: Very Good Supplier! Good Performance Over All!
Di ko na nakita itong lechon na ito kasi busy ako.Pero sabi naman nila masarap.Ok din kausap si Manang Tess.Tsaka supplier sila nina Lucy Torres at Marcoses so ok!
QUEENSLAND CATERING
Caterer
Rating: Grrr!! Kainis itong supplier na ito! Sa iba nalang kayo
Ok!Violent reactions kaagad.In fairness to them masarap naman yung food.Madaming nasasarapan sa food namin at maaga din silang nag set.Maayos din yung appearance ng table set up nila at performance ng waiters nila.Mura din sa kanila kaya we opted to get this caterer.Tight din budget eh.
Kaya lang...eto mahaba ito.Marami akong mga kapamilya na nagsabi na nagreklamo dahil:
Naubusan kami ng food: Yung mga nasa huli na di na daw nakakuha ng lechon at salad.Others never had the chance to have second helpings.We only had 196 registered guests.We paid for 235 pax + 5% buffer.Paano kami mawawalan ng pagkain???Yung Tita ko galit na galit dahil gustong mag uwi ng left over, tinabla sya ng waiter saying " Ay di na po namin maibibigay yan sa inyo kasi di pa po kami nakakakain". Wala akong kamalay malay na binayaran ko rin pala yung 15 waiters na iyun eh wala naman sa contract.
Nawalan kami ng liquors: Ok galit na galit si Wah dito dahil pet project nya yang mga alak nya.We had 17 bottles of wines, 4 bottles of J&B,1 bottle of Fundador and 1 bottle of Black Label.Wala naman kaming naging problema sa wines dahil mukang naserve naman sila(karamihan)pero mukang di daw 17 bottles iyun. 2 bote lang ang nakita naming J&B at wala kaming nakitang anino ng Fundador.Yung black label kalahati lang ang nainom at di na naibalik sa amin.Syempre tinanong ni Bernie yung mga kakila nila kung nakainom sila at sabi nga wala daw. Duda namin, maibalik man sa amin yung bote eh pwedeng sinalin nila sa ibang container yung laman.Me nakakita pa sa ibang waiters na nag iinuman daw.
Maangas ang mga AE nila: Lam mo, iba talaga ang work ethos nila.Pag pupunta ka sa kanila yung ibang AE parang dedma,walang paki sa customers.Nakausap din ni Carol(coordinator)si Kathy na taga Queensland dahil nagrerequest nga kami ng extra tables, ayaw nilang magbigay at wala daw silang buffer!Samantalang malinaw na sabi nila na me 5% buffer sila.
Kaya kung kayo'y nagtitipid, try nyong maghanap sa iba.But if you don't have any choice, you have to contend with these hang ups.They're infamous for this.Nuon pa, di lang kami nakinig.
CAROLINA'S
Bridal Accessories
Rating: Very Good Supplier! Great Performance Overall!
Ang ganda ng diamond studs ko sa hair!Di halatang P200 lang he he he.Very happy din kami ng Mommy ko sa necklace at earrings.Mura pa.Kaya lang dadayuhin mo pa sa Glorietta.
GROOM'S MEN'S BARONG
Baclaran
Rating : Great Supplier! Good Performance Overall!
Okay naman tong mga barong na to at very affordable at P280 per piece.
MANG REY CASEDO
Groom's Piña Barong; FOB's piña jusi barong
Rating : The Best! Kudos! Lahat ng Acclammation andito na!
This was when I had my groom convinced that everything in
w@w is legit and credible.Sobrang bilib sya sa barong na suot nya na gawa ni Mang Rey.Ang ganda ganda, pulido ang sukat at tahi, mabilis gumawa si Mang Rey.Plus, more affordable than those in the malls.Chineck nya nga yung barong nya sa Kultura at worth 10k daw yun! Galing talaga ni Mang Rey!
ALFRED ANGELOBridal Gown
Ok since I was on cloud nine the whole time, and my primary concern was to get to church on time. In all fairness I was 30 minutes earlier.But while I was waiting in the car I couldn't help but notice how old the interior was! The window laminate was peeling, it was hot(I was fanning myself the whole time!), and by gosh! The driver kept on putting water on its carburator(or whatever it is called) Kaya ayun nakabukas yung front ng kotse.
Pasalamat nalang ako at di ako late.